Pormal nang nanumpa kahapon ang mga
bagong halal na opisyal ng bayan ng Maria Aurora, Aurora.
Pinangunahan ang naturang oath talking ceremony ni outgoing
Governor at in-coming Congresswoman Bellaflor Angara-Castillo na siyang naging
taga panumpa..
Dumalo naman lahat ng mga re-electionist at bagohang miyembro ng
Aangguniang Bayan ng Maria Aurora.
Sa
kanyang talumpati, taos pusong pinasalamatan ni incoming mayor Amado Geneta ang
mga sumuporta sa kanyang kandidatura na nagluklok sa kanya sa puwesto. Nanawagan
din ito sa lahat na patuloy na pag-ibayuhin ang pagkakaisa ng lahat ng
mamamayan dahil aniya, wala siyang kakayahang gawin ang imposible ngunit kung
pagtutulungan, hindi malayong makamit ng buong bayan ng maria Aurora ang
patuloy nitong minimithing kaunlaran.
Comments
Post a Comment