Adopt- A-River Activity, matagumpay na naisagawa sa Dinalungan

Matagumpay na naisagawa ang Adopt- A-River Activity noong ika-siyam ng Agosto ng mga mag-aaral ng Abuleg Elementary School sa Brgy. Abuleg, Dinalungan, Aurora.  Ito ay pinangunahan ng mga officers ng Save the Children at dinaluhan ng mga guro at mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang.

Layunin ng Adopt-a-River Activity na malinis ang ilog malapit sa eskwelahan at maipakita sa buong barangay na kahit ang mga bata ay mayroong malasakit at mayroon silang magagawa upang matulungan ang komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan.

Kanya-kanyang bitbit ng mga gamit panlinis ang mga bata at sila ay sama-sama at nagtulong-tulong sa paggagamas at pamumulot ng mga plastic na nagkalat sa paligid ng ilog.

Plano ng Abuleg Elementary School na gawing regular ang nasabing activity upang mapanatili ang kalinisan ng ilog.

Comments