POLITICAL DYNASTY HUWAG NANG IBOTO - Casiguran, Aurora

Huwag nang iboto ang Political Dynasty ito ang pinahayag ni Bishop Pabillo ng Archdiocese of Manila sa isang ginanap na Misa kahapon Abril 22 sa Malate, Manila na dinaluhan ng mahigit 170 Magsasaka, mangingisda at katutubo ng Casiguran, Aurora na apektado ng proyektong Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority sa Casiguran.

Sa Homily sinabi ng Obispo ang epekto ng Political Dynasty sa lalawigan ng Aurora ay ang pagkakalikha ng batas apeco na hindi dumaan sa tamang proseso ang pagsasabatas na hayagang sumisikil umano sa karapatang ng mga taga Casiguran at paglustay nito sa buwis ng mamamayang Pilipino.

“Ang apeco ay magreresulta ng pagkasira ng kalikasan at pagtataboy sa mga katutubo na siyang nangangalaga sa gubat at dagat na panirahan ng mga katutubo na siyang tunay na nagmamay-ari ng mahigit 11,000 ektaryang bundok at karagatan sa Barangay Cozo at San Ildefonso bilang kanilang lupaing ninuno”, dagdag pa ni Obispo Pabillo.
“Ngayon ay ipinagdiriwang ang earth day na ipinanawagan ng simbahan ang patuloy at mas mapagpahalagang pangangalaga sa inang- kalikasan at sa mundong ating tahanan”, sabi pa ni Bishop Pabllo.
Nakiusap si Bishop Pabillo sa lahat ng botante, sa nalalapit na election, huwag nang iboto ang politikong kabilang sa Politikal Dynasty lalo na sa lalawigan ng Aurora.

Ang mahigit 170 magsasaka, mangingisda at katutubo ng Casiguran ay nagpapatuloy sa kanilang paglalakbay sa buong rehiyon 3 at kamaynilaan para kalampagin at singilin ang pamahalaan sa pangako nitong muling pag-aaralan ang batas apeco, subalit anila hanggang ngayon wala paring tugon ang pamahalaan sa kanilang panawagan na Ipawalang bisa ang batas apeco.

Comments