Personal na dinalaw ni Bise
Presidente Jejo Mar Binay kasama ang kanyang anak na si Makati Mayor Jun-jun
Binay ang bayan ng Dinalungan at Casiguran, Aurora kahapon umaga (August 15).
Dakong alas-9:00 ng umaga
dumating sakay ng helicopter ang mag-amang Binay sa Dinalungan para personal na
alamin ang matinding pinsalang dulot ng bagyong labuyo noong lunes ng madaling
araw sa mga nasabing bayan.
Mainit na sinalubong ni
Dinalungan Mayor Tito Tubigan at kanyang mga kawani kasama ang mga mamamayan at
mga barangay official ganundin kapulisan ang pagdating ng grupo ni Vice
President Binay.
Sa kanyang mensahe, Tiniyak
ng Bise Presidente na magbibigay ang kanyang tanggapan ng derektang tulong na
pabahay sa mga mamamayang ganap na na wasak ang mga bahay at halagang
tag-lilimang libong piso naman sa bawat pamilya na bahagyang napinsala ang
tanahan.
Agad din umanong magsasagawa
ang kanyang tanggapan ng Medical Mission at mamimigay ng Relief Goods sa lahat
ng naapektohan ng bagyo sa barangay Dinadiawan, Dinalungan at Casiguran.
Nangako naman ng tulong sio
Makati mayor Junjun Binay sa mga mamamayan ng Dinalungan. Aniya, kakausapin
niya ang kanyang kapatid na senadora Nancy Binay upang mula sa kanilang mga
calamity fund, ay agad silang makapagpadala ng tulong sa mga naapektohan ng
bagyong labuyo sa lalawigan ng aurora. Sinabi pa ni Mayor Binay na habang
nakikipag-pulong sila sa mga mamamayan ng Dinalungan ay patuloy sa paghahanda
ng mga relief goods ang kanilang mga staff sa manila upang agad na maipadala
dito sa Aurora.
Makaraan ang halos
kalahating oras na pag-uusap sa Dinalungan, dumeretso ang grupo ni Binay sa
bayan ng Casiguran para personal na makausap si Aurora Gov. Gerardo Noveras na
kasalukuyang nasa bayan ng Casiguran. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment