10 WHELLER TRUCK BUMALIKTAD, DRIVER LIGTAS - Dipaculao, Aurora

Bumaliktad at nagkalasug-lasog ang isang 10 wheeler truck sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao kahapon Abril 21, 2013.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News, habang binabagtas ang matarik na bahagi ng bundok ng naturang truck na may plakang TEK 741 na pagmamay-ari ng Pineda hardware, ang kahabaan ng Baler to Casiguran road nang bigla nalamang umano ito mawalan ng control at bumaliktad.

Napag-alaman ng awtorida na magdedeliver dapat ito umano ng 400 bag ng semento at 550 na round bars sa Casiguran.

KInilala ang driver ng nasabing truck na si Francis Morada, 33 taong gulang, at residente ng Barangay 05, Casiguran, Aurora at ang dalawa nitong pahinante na sina Rollic Peña at June Romano.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

Comments