2 LALAKI NAGTAGAAN SUGATAN - Baler, Aurora

Sugatan ang dalawang lalaki matapos itong magtagaan noong Martes Abril 23, 2013 sa T-Molina St., Barangay 05, Baler, Aurora.

Kinilala ang biktima na si Joselito Lumasac, 51 taong gulang at ang suspek naman ay kinilala na si Ronald Lumasac, 43 taong gulang, kapwa residente ng Barangay 05, Baler, Aurora.

Base sa paunang imbistigasyon ng Baler PNP, dakong alas 9:15 ng umaga noong Martes, nagkaroon umano ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ang dalawa at diumanoy bigla nalamang humantong sa tagaan ang alitan ng magkapatid.

Nagtamo ng matin ding tama ng taga sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktima, at agad naman itong dinala sa Aurora Memorial Hospital para malunasan ang matinding pinsala nakanyang natamo. Habang sugatan din ang suspek.

Ang insidente ay kasalukuyan pang iniimbistigahan ng kapulisan.

Comments