Nagbaba ng dalawang
piso ang presyo ng Unleaded at Premium gasoline sa ilang pangunahing pamilihan
ng produktong petrolyo sa Ginang Aurora nitong ngakaraang araw, sumunod ito
makaarang magbababa ng presyo ang ilang kompanya ng produktong petrolyo sa
pambansang pamilihan noong nakaraang Sabado ng magaling araw.
Ang umiiral
na presyo ng Unleaded gasoline, ay 54.73 pesos kada litro sa Eco-Petrol, 54.75
sa Sea Oil, 55.74 sa Shell, at 57.14 pesos naman sa Caltex at Petron.
Ang presyo
naman ng Premium gasoline, ay 55.74 pesos kada litro sa Caltex, 56.13 sa
Eco-Petrol, 56.14 sa Sea Oil, at 57.14 pesos naman sa Shell.
Sa Diesel,
49.19 pesos kada litro sa Eco-Petrol, 49.20 sa Petron, Caltex at Shell, at
49.50 pesos naman sa Sea Oil.
Ang Regular
gasoline, 53.22 pesos kada litro sa Eco-Petrol, 53.23 sa Sea Oil, at 54.23
pesos naman sa Petron.
Ang presyo
naman ng Kerosene ay 50.72 pesos kada litro sa Eco-Petron, at 50.73 pesos naman
sa Sea Oil.
Maaari umanong pagbaba pa ng presyo sa mga
susunod na araw bago matapos ang buwan ng Abril.
Comments
Post a Comment