4P's GINAGAMIT SA KAMPANYA - Aurora


“Makialam, magsumbong, bawal ang epal dito” ito ang kampanya ng DSWD para sa darating na halalan dahil sa pagdami umano ng reklamo sa nasabing ahensya.

Ayon kay Jocelyn dela Tonga, Social Welfare Officer III ng DSWD at Provincial Link ng 4P’s sa Aurora, ginagamit umano ng mga kumakandidato sa pulitika ang programang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD kung saan ang politikong kumakandidato ang animo’y nagpatupad ng programa na nagbubunga ng pagbabanta sa mga miyembro o benepisiyaryo ng programang 4P’s kung sakaling hindi nila susuportahan ang kandidato.

Sinasamantala umano ito ng ilang partikular na politiko dahil na rin sa dami ng bilang ng kasapi nito na humigit kumulang 7, 832 sa 7 bayan sa lalawigan ng Aurora, Ayon pa kay dela Tonga.

Layunin ng ahensya na imulat ang mga benepisyaryo at miyembro nito na malaman ang pamamaraan ng tamang pagpili ng benipisyaryo at tamang proseso ng pagtanggal ng miyembro at hindi sa kadahilanang may kapangyarihan ang isang kumakandidato para manipulahin ang mga beneficiary record o maging ang mga kasapi nito.

Comments