APRIL 16, 2013 – LAKAD KATARUNGAN, LAKAD MATUWID NA DAAN, ito ay isasagawa simula ngayong araw ng ilang mamamayan na apektado umano ng proyektong APECO sa Bayan ng Casiguran, Aurora. Ang Lakad Katarungan, Lakad Matuwid na Daan ay magtatagal ng mahigit sampong araw, ito ay pangungunahan ng Task Force Anti-APECO kasama ang Simbahang Lingkod ng Bayan. Mahigit 140 katao mula sa sektor ng Magsasaka, Mangingisda at Katutubong residente ng Casiguran ang mangunguna sa naturang gawain, nagpahayag narin ng pagsuporta ang ilang Non-Government Organization sa Aurora katulad ng Multi-Sectoral Action Group of Aurora. Muli umano nilang kakalampagin ang mga ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang kanilang mga panawagan, hinihiling nila na mapasakanila na ang lupang matagal na nilang binubungkal. Panawagan din nilang Ipawalang bisa ang Republic Act 10083 o maskilala bilang Batas APECO o Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority. Target na puntahan ng grupo ang Supreme Court at Department of Agrarian Reform. Inaasahang ngayon araw ang grupo ay magsisimulang maglakbay mula sa Casiguran, at mamayng alas 4:00 ng hapong ito ay darating sa Bayan ng Baler, Aurora sa Mount Carmel College para magsagawa ng Symposium. ---------------------------

Comments