BALER, AURORA NIYANIG NG 3.6 AGNITUDE NA LINDOL

Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang Baler, Aurora kaninang madaling araw Abril 25, 2013 (Huwebes).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol sa silangan ng Baler, Aurora dakong 3:31 ng madaling araw .

Nabatid sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 033 kilometro.

Wala naman iniasahang aftershocks o pinsala sa naturang lindol.

Comments