BANGKAY NATAGPUAN SA GITNA NG PALAYAN - Baler, Aurora

Patay na ang isang lalaki nang matagpuan ito sa gitna ng palayan sa Sitio Gabgab, Barangay, Buhangin, Baler, Aurora noong Martes, Abril 23, 2013.

Ang biktima ay kinilalang si Edgardo Postor, 51 taong gulang, at residente ng Barangay, Buhangin, Baler, Aurora.

Alas 11:30 ng umaga nang makita ni Lorna Penaranda ang bangkay ng biktima noon ding araw naiyon. 

Base sa paunang imbetigasyon Baler PNP, dakong alas 12:00 ng hapon noong Martes nakipagsaya at nakipaginuman pa umano ang biktima sa bahay ng kasama nitong si Pablo Cariaso kasama din nila umano sina Florante Polinada at Celebrado Gonzales, kapwa mga residenteng Brgy. Suklayin, Baler, Aurora. 

Bandang 1:00 ng hapon namataan umano ang biktima na umuwi pa sa kanilang bahay at nagpalit ng damit para bumalik sa palayan.

Dahildito nakiusap ang PNP sa Post Mortem Examination at Rural Health Office na alamin ang pagkamatay ng biktima habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Comments