BATA NASUNOG ANG LIKOD - San Luis, Aurora

Nasunog ang likurang bahagi ng katawan ng isang labing dalawang taong gulang na bata matapos itong aksidenteng masabugan ng gasoline, sa Barangay Ditumabo, San Luis, Aurora kamakailan.

Base sa pahayag ng magulang ng bata na kinilalang sina Vien Benito Pelaez at Sally Pelaez, kapwa residente ng nasabing lugar, nagpilit umanong sumama ang kanilang anak sa ama nito na pumunta sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar. 

Dakong alas-8:30 ng umaga kinuha umano ng bata ang isang plastic gallon na gasolina, ng aksidenteng maputol ang hawakan nito at sa di kalayuan ay may siga ng kahoy, dahil dito nagliyab ang gasolina at nasunog ang likurang bahagi ng katawan ng biktima.

Comments