HELMET IPAGBABAWAL - Maria Au., Aurora

Nagpasa ang Sangguniang Bayan ng isang Ordinansa na nagbabawal sa pagsusuot ng Helmet sa loob ng kabayanan ng Maria Aurora, Aurora.

Sakali umanong maipatupad na ang Ordinansa hindi na papayagang na gumamit ng helmet ang mga motorista sa loob lamang ng Bayan ng Maria Aurora.

Layunin ng nasabing Ordinansa na upang maiwasan ang serye ng Rider-In-Tandem holdup na ang kadalasang sangkot sa insidente ay nakasuot ng helmet.

Ayon kay Sanguniang Bayan member Jonathan Hungriano, pangunahing may-akda ng Ordinansa, madalas umanong magkaroon ng insidente ng holdup na ang suspek ay hindi nakikilala dahil sa suot nitong helmet.

Isa umano itong naging batayan sa pagbubuo ng ordenansa.

Comments