BAWAS PRESYO SA PETROLYO - Baler, Aurora

Nagbaba narin ang presyo ng halos 2 piso kada litro sa kanilang produkto ang mga pangunahing pamilihan ng produktong petrolyo sa Gitnang Aurora nitong nakaraang araw, makaraang magtapyas ng presyo ang ilang Pambansang Pamilihan ng produktong petrolyo noong Sabado ng madaling araw.

Ang Diesel na dating 49.20 pesos kada litro, ngayon ay 47.53 pesos na sa Eco-Petrol, at 47.55 pesos naman sa Shell, Caltex, Sea Oil at Petron.

Ang presyo naman Premium gasoline, ay 54.98 kada litro sa Eco-Petrol, 55.09 sa Sea Oil, at 54.09 pesos naman sa Shell at Caltex.

Sa Unleaded gasoline, 53.68 pesos kada litro sa Eco-Petrol, at 54.69 pesos naman sa Shell, Caltex at Sea Oil.

Samantala, wala paring pagbabago ang presyo ng Regular gasoline, 53.22 pesos parin ang kada litro sa Eco-Petrol, 53.23 pesos sa Sea Oil at 54.23 pesos sa Petron.

Ang presyo naman ng Kerosene, ay 49.12 pesos kada litro sa Eco-Petron, at 49.13 pesos sa Sea Oil, at 50.13 pesos naman sa Shell

Maaari umanong pagbaba pa ng presyo sa mga susunod na araw bago matapos ang buwan ng Abril.

Comments