COMELEC, KAKASUHAN ANG LALABAG SA ELETION CODE - Aurora

Sasampahan ng reklamo sa Law Department ng Comelec ang sino mang kandidato na lalabag sa alintuntunin ng halalan ngayong Mayo 13, 2013.

Ito ang tiniyak ni Director Maria Vitoria Dulcero, Acting Assistant Director ng Comelec Manila, mas mabilis ang action ng Law department dahil may direktiba umano sa mga ito na madaliin ang lahat ng kaso na isasampa sa kanila.

Una nang sinampahan ng reklamo sa Law Department ng Comelec si LDP re-electionist candidate Mayor Zenaida Q. Padiernos ng Bayan ng Dingalan, Aurora noong Huwebes Abril 18, 2013.

Ito ay matapos umanong gamitin ng naturang elected official ang sasakyan ng gobyerno sa pagkakabit nito ng campaign materials sa bayan na kanyang pinaglilingkuran.

Sa naturang complaint na inindorso ng Parish Pastoral Council For Responsible Voting, kasama dito ang mga larawan na nagpapatunay ng  paglabag na nasasaad naman sa Article 22 ng Omnibus Election Code Sec. O no. 3. Na hindi dapat gamitin ng sinuman ang sasakyan ng pamahalaan kahit na ang kandidato ay isang re-electionist.

 Sa paliwanag pa ni Dulcero, malaki umano ang tsansa sa disqualification ng mga kandidatong gagamit ng government vehicles lalo pa’t may maipapakitang mga larawan at video at mga testimonya ng mga saksi sa ganitong paglabag.

Comments