COMELEC, KASO SA RE-ELECTIONEST MAYOR - Dingalan, Aurora

Sinampahan na ng pormal na reklamo ang isang re-electionist mayor sa Bayan ng Dingalan, Aurora  noong Huwebes Abril 18, 2013 ng umaga, sa tanggapan ni Director Esmiralda-Ladra ng Law Department ng COMELEC sa Intramuros Manila.

Ito ay matapos umanong gamitin ng naturang elected official ang sasakyan ng gobyerno sa pagkakabit nito ng campaign materials sa bayan na kanyang pinaglilingkuran.

Sa naturang complaint na inindorso ng Parish Pastoral Council For Responsible Voting, kasama dito ang mga larawan na nagpapatunay ng  paglabag na nasasaad naman sa Article 22 ng Omnibus Election Code Sec. O no. 3. Na hindi dapat gamitin ng sinuman ang sasakyan ng pamahalaan kahit na ang kandidato ay isang re-electionist.

Ayon kay Director Maria Victoria Dulcero Acting  Assistant Director COMELEC Manila, nararapat umanong magsampa ng  agarang  reklamo sa Law Department ang mga mamayang nakakakita ng mga paglabag ng mga kandidato sa halalan.

Ayon pa sa COMELEC official, mas  mabilis ang action ng Law department dahil may direktiba umano sa mga ito na madaliin ang lahat ng kaso na isasampa sa kanila.

 Sa paliwanag pa ni Dulcero, malaki umano ang tsansa sa disqualification ng mga kandidatong gagamit ng government vehicles lalo pa’t may maipapakitang mga larawan at video at mga testimonya ng mga saksi sa ganitong paglabag.

Comments