DENR, 2nd REGIONAL CONFERENCE - Baler, Aurora

Matagumpay ang isinagawang 2nd Regional Conference ng Department of Environment and Natural Resource  sa Bayan ng Baler, Aurora nitong nakaraang Martes Abril 16 hanggang 18, 2013 na pinangunahan ng matataas nitong opisyales ng PENRO sa buong Region 3 at CENRO officer ng Baler, Dingalan at Casiguran, Aurora.

Layunin ng nasabing conference na ilahad ang mga accomplishments at mga proyektong dapat pa nilang isagawa sa lalong madaling panahon para sa ikauunlad ng lalawigan.

Susuportahan ng Ina ng lalawigan na si Bella Angara-Castillo bilang panauhing pandangal ng nasabing conference ang mga layunin at mga gagawin pang proyekto ng DENR para sa pagpapanatili ng kaayusan at kagandahan ng kalikasan sa lalawigan ng Aurora.

Ayon pa sa Gobernadora, hindi aniya papayagan ang illegal logging kahit pa siya ay maibalik sa kongreso.

Comments