Handa na ang buong puwer Handa na ang buong puwersa ng Baler Philippine National Police para sa darating na midterm Election sa Mayo 13, 2013. ng Baler Philippine National Police para sa darating na midterm Election sa Mayo 13, 2013.



APRIL 11, 2013 – Handa na ang buong puwersa ng Baler Philippine National Police para sa darating na midterm Election sa Mayo 13, 2013.
Sinabi ni Baler Acting Chief of Police Police Inspector  Noel C. Palmero na handa na ang buong kapulisan para sa darating na halalan sa Mayo, matapos itong sumailalim sa Seminar/Lecture kahapon April 10, 2013 sa Police Station, Baler, Aurora.
Dito ibinigay at ipinaliwanag ni Baler Municipal Election Officer II Alma P. Broqueza sa mahigit 30 Baler PNP ang Guidelines at Procedure para sa Ensure Safe And Fair Election o SAFE 2013.
Nagsimula ang naturang seminar dakong alas 4:00 ng hapon kahapon, at natapos ito ganap na ika-5:30.
------------------------


Comments