POLITICAL DYNASTY HUWAH IBOTO - Casiguran, Aurora



“No to APECO”, Huwag iboto ang Political Dynasty” partikular sa lalawigan ng Aurora, ito ang panawagang bitbit ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo ng Casiguran, Aurora na apektado ng proyektong apeco, sa kanilang paglalakbay sa buong rehiyon 3. 

Ayon sa grupo ang kanilang paglalakbay ay para muling iparating kay Pangulong Benigno Aquino III ang nabigo umano nitong pangako na muling pag-aaral ang Batas apeco noong nakaaraang taong 2012.

Ang kanilang paglalakbay ay magpapatuloy hanggan sa ika-2 ng Mayo 2013, ito ay nagsimula noong ika-16 ng Abril mula sa Bayang ng Casiguran, Aurora, at ngyon ay nasa kamaynilaan na ang grupo, ngayong araw (April 22) sila ay magtutungo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa National.

Layunin nitong maiparating sa mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang kahilingang ipawalang bisa ang Batas APECO o Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority.
Marami umanong probisyon sa Philippines Constitution ang nilalabag ng batas apeco (RA 10083). Paglabag umano nito sa Local Government Code, Indigenous People’s Right Act, CARPER Law, batas sa Kalikasan, batas laban sa pandarambong at korapsyon.

Comments