IBON NANGANGANIB MAUBOS - Maria Au., Aurora

Nanganganib nang maubos ang mga ibong Bato-bato o wild Kalapati sa Barangay 01 at Ramada sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Walo hanggang sampong ibon umano ang nahuhuli o hinuhuli ng mga residente sa lugar araw-araw gamit ang converted air gun at denature alcohol sa panghuhuli ng ibong.

Dahil dito, hinihiling ng ilang concern citizen na aksyonan ito ng kinauukulan para mapreserba ang mga endangered species katulad ng ibon na maaring maubos kapag hindi napigilan ang paghuhuli nito.

Comments