KAMPANYA, ANTI NOISE POLLUTION - Maria Aurora, Aurora

Paiigtingin pa ng Philippine National Police particular sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora ang pagpapatupad sa Municipal Ordinance No. 12 o mas kilala bilang ANTI NOISE POLLUTION.

Tiniyak ni PSI. Rommel Sagala, huhulihin ang lahat ng motorsiklong naka Modified Muffler o malakas ang tunog ng tambutso.

Magmumuta ang mahuling gumagamit ng ganitong motorsiklo at kukumpiskahin.

Maaari lamang umano itong makuha kung napalitan na ng may-ari ang tambutso para masigurong hindi na ito maglilikha ng ingay.

Dagdag pa ni Sagala mahigpit din nilang ipinatutupad ang pagbabawal sa pagmamaneho ng kahit anong uri ng motorsiklo ang menor de edad.

Maaari umanong managot ang magulang sakaling payagan nilang magmaneho ang kanilang anak na wala pa sa hustong gulang at masangkot sa aksidente.

Comments