Kampanya laban sa mga illegal campaign poster ng mga kandidato, lalo pang pinaiigting ng Baler Philippine National Police.



APRIL 12, 2013 – Kampanya laban sa mga illegal campaign poster ng mga kandidato, lalo pang pinaiigting ng Baler Philippine National Police.

Araw-araw nagsasagawa ang kapulisan ng operasyon baklas sa mga illegal na paglalagay ng campaign materials ng mga kandidato lokal man o national.

Sinabi ni Baler Acting Chief of Police PSI. Noel C. Palmero, hindi sila titigil sa pagbabaklas ng mga campaign poster  na nakalay sa lugar na ipinagbabawal.
Pinapaalala parin na maaaring ilagay ng partidong politikal ang kanilang mga campaign materials sa hindi hihigit sa sampung lugar na pambubliko tulad ng plaza, palengke, at Barangay Center.

Maaaring ilagay ng isang kandidato ang kanilang propaganda materials sa mga pribadong lugar o establisiyemto  kung pinapayagan sila ng may-ari.
Ang mga kandidatong may mga partidong politikal ay maaaring gumamit ng mga poster na may sukat 12x16 piye, habang 4x6 piye naman ang ipinahihintulot sa mga kandidatong indipindiyente.
---------------------------

Comments