KANDIDATO NAMIMIGAY NG 20 PORSYENTONG PASAHE SA BUS - Dilasag, Aurora

Talamak ang ilegal campaign poster ng mga kandidatong lokal sa Bayan ng Dilasag, Aurora sa kabila ng mahigpit na ipinagbabawal ng comelec.

Sa ipormasyong nakalap ng CMN News, naglipana umano ang mga over size campaign matireals ng lokal na kandidato ang mga nakakabit sa punong kahoy, ganoon din sa mga pampublikong lugar na tila hindi inaalintana ang batas ng comelec.

Dalawang kandidatong lokal din umano ang naiulat na namimigay ng 20 porsyentong  discount sa pambublikong Bus na bumibiyahe sa Dilasag patungo sa Baler. 

“Nakalagay umano sa poster ng kandidato, lahat ng sasakay sa bus ay may 20 porsyentong discount,  binibigyan ng lift lets ang pasahero at kailangan lamang dalala ito para ipakita sa kondoktor upang siya ay mabawasan ng 20% ang pamasahe”,  ayon pa sa impormasyon.

Alinsunod sa Omnibus Election Code, ang vote buying at vote selling ay may katapat na parusang pagkabilanggo ng hanggang anim na taon at hindi maaaring isalang sa probation.

Maaari ring madiskuwalipika sa paghawak ng anumang public office ang taong mapatutunayang guilty sa pamimili ng boto at pagkakaitan pa ng karapatang makaboto.

Comments