LALAKI SUMALPOK SUGATAN - Dilasag, Aurora

Sugatan at halos hindi na makilala ang isang lalaki matapos itong sumalpok sa Concrete gate sa Casiguran, Aurora kahapon, Abril 21, 2013.

Ang biktima ay kinilalang si Marlon Vargas, residente ng Barangay Manggitahan, Dilasag, Aurora.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News, dakong alas 2:00 ng hapon kahapon habang binabagtas ng biktima sakay ng motosiklo ang kahabaan ng National Road sa Casiguran nang bigla itong sumalpok sa Concrete gate.

Nagtamo ang biktima ng malalang pinsala sa mukha at sa iba pa nitong bahagi ng katawan. 

Agad na idinala sa pagamutan ang biktima sa Aurora Memorial Hospital sa Barangay Reserva, Baler, Aurora para malapatan ng lunas.
Napag-alamang lasing umano ang biktima. 

Ngayong araw (Abril 22) planong itong idala sa PJG Hospital sa Nueva, Ecija.

Comments