LALAWIGAN NG AURORA MAGSASAGAWA NG LABOR DAY JOB FAIRS NGAYONG ARAW

Magsasagawa ngayong araw (Mayo 1) ng “Labor Day Job Fairs” ang Pamahalaang Panlalagigan ng Aurora at Department of Labor ang Employment (DOLE) kasabay sa araw ng paggawa sa lalaigan.

Magsisimula ang programa mamayang alas otso ng umaga at matatapos ito alas singko ng hapon sa Capitol Ground, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Naka-angkla ang selebrasyon ngayong taon sa temang  “Manggagawang Pilipino: Handa sa Hamon ng Makabagong Panahon”

Inaabisuhan ang mga aplikante na wag kalimutan at kung maari ay damihan ang mga dadalhing kopya ng mga pre-employment requirements katulad ng Resume o Biodata with Picture, NSO Birth  Certificate copy, Passport copy, Photocopy of land title or tax declaration of farm para sa nag-aaplay bilang Farmer.

Ang mga trabahong i-a-alok o job categories sa Bansang Japan ay Vegetable farmer, Cattle/Dairy farmer, Hog raising, Welder (GMAW, FCAW, TIG), Machinist (Lathe & Milling), Sheet metal works, Spray painter, High speed sewer, Seaweeds processing, Oyster Peeler, Chicken chopper, at Fish paste maker.

Ang qualification ay dapat nasa 20 hanggang 30 taong gulang, at least High School Graduate, at least 2 years related field and presently employed.

Makikibahagi rin ang ibang mga ahensya tulad PESO, POEA, at PESCAYDO upang tugunan ang mga pre-employment needs ng mga jobseekers.

Comments