LANSANGA BAWAL BILARAN NG PALAY - Aurora

Ipinagbabawal ng Department of Public Works and Highway ang pagbibilad ng palay at mais sa mga pambansang lansangaan sa buon Rehiyon 3 kabilang na ang lalawigan ng Aurota.

Sa inilabas na memoramdon ng DPWH inaatasan ang lahat ng District Engineer sa Rehiyon 3 na ipagbawal ang pagbibilad ng palay at mais sa mga pangunahing lansangan lalo na sa market area at poblacion. 

Ipinagbigay alam ni DPWH Secretary Rogelio Singson na mahigpit nilang ipapatupad ang pagbabawal na pagbibilad ng palay at mais na pinanggagalingan ng aksidente at pagkaantala ng mga motorista. 

 “National highways are not palay solar dryers” kaya kaalinsabay nito tinatawagan ang mga rice and corn traders na makiisa sa ordinansa, dapat ding makikiisa ang mga LGU’s at PNP para sa mas lalong mapaigting ang pagpapatupad ng direktibang ito, ani Secretary Singson.

Comments