Nagpapatuloy parin umano ang paglalagay ng campaign poster sa mga lugar na ipinagbabawal sa Bayan ng Dinalungan, Aurora.



APRIL 11, 2013 – Nagpapatuloy parin umano ang paglalagay ng campaign poster sa mga lugar na ipinagbabawal sa Bayan ng Dinalungan, Aurora.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News, isang kandidato ng LDP-Laban na kumakandito sa pagka-konsehal ng Bayan ang nagkakabit/naglalagay umano ng  campaign poster sa mga punong kahoy at pampublikong lugar .

Samantala,  kandidato rin ng LDP sa Bayan ng Dingalan, Aurora ang diumanoy gumagamit ng sasakyan ng pamahalaan sa pangangampanya at naglalagay ng campaign poster sa mga lugar na ipinagbabawal. Ito ang ipinarating na impormasyon sa CMN News mula sa PPCRV Dingalan kahapon.
---------------------------

Comments