Paiigtingin pa ng Baler PNP ang pagpapatupag sa Gun Ban para matiyak ang katahimikan at kapayapaan ngayong panahong ng kampanyahan at sa nalalapit na midterm election.



APRIL 12, 2013 – Paiigtingin pa ng Baler PNP ang pagpapatupag sa Gun Ban para matiyak ang katahimikan at kapayapaan ngayong panahong ng kampanyahan at sa nalalapit na midterm election.

Tiniyak kahapon ni Baler Acting Chief of Police PSI. Noel C. Palmero, na palalakasin pa ng kapulisan ang pagsusulong sa gun ban  upang mapigilan ang pagkalat ng mga ilegal na armas na maaaring magamit sa panahon ng election at pagsasagawa ng krimen.

Layunin nitong mapanati ang pagkakaroong ng malinis at mapayapang halalan sa Bayan ng Baler at maging sa buong lalawigan ng Aurora.

Tiniyak pa ng PNP na habang papalapit ang halalan sa Mayo13 ay lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatupad ng gun ban.
------------------------------

Comments