PARTY-LIST CARAVAN, MAYO UNO - Aurora

Nakatakdang magsagawa ng Caravan sa central Aurora ang mga progrisibong Party-list bukas ng hapon Mayo uno kasabay ng paggunita sa araw ng paggawa.

Kasabay nito masasagawa ng programa para gunitain ang Pandaigdigang araw ng Paggawa (Labor Day) sa Bayan ng Dipaculao, Aurora sa pangunguna ng Multi-Sectoral Action Group at Bikarayato ng Valley-Ding.

Ganap na ika-8 ng umaga magsisimula ang naturang programa sa Municipal compound ng Dipaculao, mag-uumpisa sa isang Banal na Misa, kasunod ang mga pananalita ng kaugnay sa kalagayan ng mga manggagawa.

Inaasahan ding magbibigay ng pananalita ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng lalawigan ng Aurora.

Ang gawaing ito ay naglalayong maipaunawa sa mga mamamayan ang kalalagayan ng mga manggagawa gayundin ang mga karapatan at benipisyong nauukol sa kanila.

Ang paksa sa taong ito ay “Manggagawa at Magsasaka 113 taon ng Pakikibaka! Wakasan ang kahirapan! Isulong ang Malinis na Halalan”.

Comments