PASAWAY NA KANDIDATO - Dingalan, Aurora

Garapalan parin umano ang pagkakabit ng tarpaulin at poster ng mga kandidato sa Bayan ng Dingalan, Aurora.

Sa akbila ng mahigpit na kautusan ng Commission On Election o comelec hingil sa pagbabawal na pagkakabit ng mga poster at tarpaulin sa mga puno, pampublikong  sasakyan at pampublikong lugar.

Sa impormasyong ipinarating sa CMN News, marami umanong pasaway na kandidato ang lumalabag sa kautusan ng comelec hinggil sa pagkakabit ng campaign materials sa Bayan ng Dingalan.

 Ayon sa PPCRV-Namfrel Dingalan, tila wala umanong ginagawang aksyon ang PNP at Comelc sa lugar para baklasin ang mga ilegal campaign materials at paalalahanan ang mga tumatakbong kandidato.

Ayon naman kay Election Officer ng Dingalan Eric Avellaneda, hindi naman umano sila nagkukulang sa paalala, dahil bago palang umano magsimula ang campaign period, naglabas na sila ng mga alituntunin na dapat sundin ng mga kandidato sa pangangampanya.

Nayong araw magsasagawa ang comelec dingalan ng pagbabaklas sa mga ilegal campaign poster ng mga kandidatong lokal at nasyunal, ayon pa kay Avellaneda.

Comments