Patay ang isang lalaki matapos itong ma-heat stroke noong Abril 07, 2013.



Patay ang isang lalaki matapos itong ma-heat stroke noong Abril 07, 2013.
Kinilala ang biktima ng Heat Stroke ay nasi si Cergio Chavez, 36 taong gulang, residente ng Purok 02, Kinalapan, Baler, Aurora.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News, pumasok pa umano sa trabaho si Chavez sa kabila ng nakakaramdam na ito ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

Dakong ika-10:00 ng umaga noong linggo ng muli siyang makaranas ng pagsisikip ng dibdib at hirap sa paghinga hanggang sa bigla na umano itong bumagsak, mabilis naman itong idinala sa Aurora Memorial Hospital upang malapatan ng agarang lunas.

Subalit pasado alas 11:00 ng umaga noong ding araw ng ito ay tuluyan ng bawian ng buhay.
-----------------------


200 punong kahoy itinanim ng mga siklista sa Bundok Kapayapaan sa Barangay Real, San Luis, Aurora noong Sabado Abril 06, 2013 bilang bahagi ng  Padyak para sa Kalikasan ng grupong makakalikasan.

Mahigit 300 siklista ang nakiisa sa ika-7 taon ng Padyak Para sa Kalikasan noong Sabado sa pangunguna ng Multi-Sctoral Action Group ng Aurora kasama ang iba’t ibang Bikers Association sa gitnang Aurora, gayun din ang Philippine National Police, RED CROSS at ARESCOM.

Ganap na ika-7 ng umaga umarangkada ang Padyak mula sa Parokya ni San Luis Obispo sa Bayan ng Baler, Aurora patungo sa Bayan ng Maria Aurora, dumaaan sa Barangay Quirino, at sa Bayan ng San Luis hanggang sa Barangay Real ng bayan ng  San Luis Aurora.

Layunin ng  padyak para sa kalikasan ang mapangalagaan ang kalikasan upang mapigilan ang patuloy na pag-init ng mundo sanhi ng climate change at mapanatili ito para sa susunod na henerasyon.

 “Malusog na Kapaligiran Tungo sa Malinis na Halalan”. ang paksa ng nasabing aktibidad.

Nagsagawa  ng tribute kina Fr. Edwin Agapay, Joey Estriber, Willem Geertman, at Waldo Palispis, mga pinaniniwalaang naging tagapagtanggol ng kalikasan.  Inalayan sila ng punong kahoy bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan.

Nagkaloob naman ng premyo bilang pagkilala sa pinaka matanda at pinaka batang nakiisa sa nasabing aktibidad. Kinilala ang pinakamanda sa edad na 54 taong gulang na si Veneracion Mercado sa hanay ng mga kababaihan , at ang pinakabata ay 5 taong gulang nasi Beah Serrano, 75 taong gulang naman ang pinakamatandang lalaki na si Vincente Bella Rosa, at 5 taon naman si Cyros Gusilatar.

----------------------


Inirereklao ang mga Ilegal na Videoke Bar sa Barangay Aplaya, Dingalan, Aurora dahil sa perwisyong naidudulot nito.

Walang anomang business permit ang mga naturang bar at maliban sa Ilegal ang operasyon ng mga videoke ay napakalapit din nito sa kabahayan.

Umaabot hanggang 11:00 ng gabi ang operasyon ng mga ito at madalas nagkakaroon ng gulo, mayroon naring napatay at nagiging sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa ganoon din ang paglipana ng prostitusyon sa lugar.
Naghain na ng petisyon sa Sanggunian Bayan noong pang nakaraang taon 2012 ang mga mamamayang apektado sa lugar laban sa mga naturang videoke bar para ipatigil, subalit wala pa itong aksyon.

Umaasa ang mamamayan at residente ng Brgy. Aplaya sa agarang aksyon ng mga kinauukulan sa Bayan ng Dingalan.

---------------------------

Comments