PCA, PROYEKTONG KAANIB - Aurora

Palalakasin pa ng Philippine Coconut Authority (PCA)  ang proyektong KAANIB o Kasaganahan sa Niyugan ay Kaunlaran sa Bayan sa Lalawigan ng Aurora, sa ilalalim ng pet project ng Department of Agriculture, na ang PCA ang siyang namamahala.

Layunin ng nasabing proyekto na pataasin pa ang antas ng kabuhayan sa sector ng magsasaka sa lalawigan ng Aurora, dahil kinakapos parin umano ang suplay at kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Juan F. Milar, Provincial Acting Officer ng PCA sa Aurora, may tatlong Barangay na sa lalawigan ang may magkakaparehong proyekto sa mga Barangay ng Bayanihan sa Bayang ng Maria Aurora, Barangay Reserba sa Baler, at Barangay Borlongan sa Dipaculao.

Nagkakaloob ang naturang proyekto ng libring serbisyo sa kasapi ng mga samahang nakapaloob sa PCA.

Namimigay din ito ng libring mga pananim katulad ng Niyog, Rambutan,  Lansones at iba pang similya ng prutas.

Comments