PPCRV-NAMFREL HANDA NA SA DARATING NA ELEKSYON - Maria Au., Aurora

Nagsagawa ng orientasyon sa mahigit na 100 katao na magsisilbi bilang PPCRV-Namfrel Volunteer para sa hangad na malinis na halalan ngayong midterm election sa Mayo 13,  mula sa Munting Sambayanang Kristyano kasama ang iba’t ibang organisasyon partikular sa Bayan ng Maria Aurora sa Parokya ni San Vicente Ferrer noong araw linggo (Abril 28).

Sa pangunguna ng Social Action sa katauhan ni Benji Ariola at mga katuwang na manggagawa ng nasabing Parokya, ang nasabing orientasyon ay tumalakay ng paglalahad at pagpapaliwanag ng mga dapat gawin sa darating na halalan.

Muling magbabalik aral ang mga ito sa ika-5 ng Mayo upang maibigay ang mga kagamitan para sa mga boluntaryo gayun din ang pormal na pagtatalaga sa mga ito sa pangunguna ng Paring Lingkod Rev. Fr. Andy Lumasac.

Inaasahan ang nasabing gawain ay magpapatuloy mula sa umpisa ng halalan hanggang sa ito ay matapos. 

Samantala, nagsagawa rin ng kahalintulad na oryentasyon ang PPCRV-Namfrel sa Bayan ng Baler noong nakaraang Lunes (Abril 29) sa pangunguna ni Rev. Fr. Israelito G. Gabriel ang Chairman ng PPCRV-Namfrel sa Aurora.

Comments