PRELATURA NG INFANTA, ANTI-APECO - Casiguran, Aurora

Humingi ng suporta ang kaparian ng Prelature ng Infanta sa kanilang kapwa Kaparian sa buong bansa laban saproyektong Apeco sa Aurora.

Sumulat din ang Kaparain para humingi ng suporta sa lahat ng Obispo sa Bansa para iparating ang masamang epekto ng proyektong apeco sa mga lokal na mamamayan lalo na sa mga magsasaka, katutubo at mangingisda sa Casiguran, Aurora.

 “Wala umanong kalaban laban ang mamamayan sa masamang dulot at pang aabuso ng proyektong Apeco” ayon sa nilalaman ng nasabing sulat.

Nagpadala din kaparehong sulat sa iba't ibang Dioceses at Catholic schools sa buong bansa.

“Maraming batas ang hindi nasunod, at maraming karapatang ang naabuso dahil saproyekto naanimo’y bulldozer na pumasok sa Casiguran na patuloy umaabuso sa mamamayan” ayon kay Bishop Carlito Cenzo ng Baguio City.

Nanawagan naman sila kay Pangulong Aquino upang tuparin ang pangakong iimbestigahan ang nasabing proyekto.

Comments