PRESYO SA PUBLIC MARKET - Baler, Aurora

Wala paring pagbabago ang presyo ng  mga pangunahing bihlihin sa pampublikong pamilihan sa Bayan ng Baler, Aurora.

Naglalaro parin sa 27 hanggang 36 pesos kada kilo ang presyo ng Bigas, at 45 pesos naman ang Malagkit.

Ang presyo naman ng isdang Bangos ay naglalaro sa 110 hanggang 130 pesos kada kilo, 120 hanggang 140 pesos ang presyo ng isdang Tilapia, at 100 hanggang 160 pesos kada kilo naman ang presyo ng isdang Dagat.

Sa karneng Baka naglalaro ang presyo sa 130 hanggang 190 pesos kada kilo, 150 hanggang 190 pesos naman ang karneng Baboy, at 150 hanggang 190 namam ang kilo ng karneng Manok.

Ang presyo naman ng gulay Baguio ay naglalaro parin sa 30 hanggang 50 pesos ang kada kilo, katulad ng repolyo at petsay baguio.

Wala pang anunsyo kong kailan magbabago ang presyo.

Comments