Sugatan
ang tatlong lalaki matapos magsalpukan ang kapareho nilang minamanehong
kolong-kolong at motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Barangay Ditale,
Dipaculao, Aurora.
Kinilala
ang mga biktima na sina Merwin Angara, Danilo Madriaga at Recarte Macanas.
Dakong ala-1:00 ng madaling araw kanina
habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Ditale Road aksidenteng nagkasalubong
at nagsalpukan ang pareho nilang minamaneho, dahil di umanoy mga nakainom at
lasing na nagmamaneho.
Dahil
sa matinding insidente nagtamo si Macanas ng matinding sugat sa kanyang noo at
pagkabali ng buto nito sa kanyang tuhod, samantala ang dalawang kinilala pang
sina Angara at Madriaga ay nagtamo ng madaming gasgas at sugat sa kanilang
katawan at kasalukuyang iniimbestigahan ang dalawang biktima sa Aurora Memorial
Hospital samantalang si Angara ay inilipat ng Premiere General Hospital sa Brgy.
Suklayin sa Bayan ng Baler.
Comments
Post a Comment