SC, ANTI-APECO PLANKING - Baguio City

Nagplanking sa gitna ng kalsada sa harapan ng Korte Suprema sa Lungsod ng Baguio ang mahigit 170 magsasaka, mangingisda at katutubo mula sa Bayan ng Casiguran noong Miyerkules, Abril 17, 2013 bilang protesta upang ipakita sa mga Justices ng Korte Suprema ang kanilang kahilingan. 

Hiling ng grupo ang mabilis at patas na pagdinig sa petisyong inihain ng mahigit 300 mamamayan ng Casiguran noong 2011 laban sa Proyektong ASEZA/APECO o Aurora Special Economic Zone sa ilalim ng Republic Act 9490 at inamiyendahan ito bilang Aurora Pacipic Economic Zone and Freeport Authority sa ilalim naman ng Republic Act 10083.

Nilalabag umano ng Batas APECO (RA 10083) ang Local Government Code, ang paglabag nito sa Indigenous People’s Rights Act, gayon din ang paglabag nito umano sa Agriculture and Fisheries Modernization Act, at sa CARPER law.

Hindi umano mananahimik ang mga taong apektado ng proyektong APECO hanggat hindi sila nabibigyan ng katarungan at karapatang. 

Ang kanilang paglalabay ay magtatagal ng 18 araw simula noong Martes hanggan sa ika-3 ng Mayo 2013, iikutin nito ang buong rehiyon 3.

Comments