WALLET, ID, 2 CELL PHONE NINAKAW - Baler, Aurora

Nilooban at ninakawan ang isang residente sa Sitio Kinalapan, Barangay Pingit, Baler, Aurora kanina (Abril 26) sa pagitan ng ika 2 hanggang ika 3 ng medaling araw. 

Kinilala ang residente na si Melody Lumasac bagong graduate ng kolehiyo sa ASCOT.

Nakuha umano ng mga magnanakaw ang isang bag na naglalaman ng mahalagang dokumento kasama na ditto ang diploma, i.d, thesis paper, larawan ng graduation, mga damit, wallet, at dalawang cellphone unit. 

Dagdag pa ng biktima dumaan umano ang mga magnanakaw sa harapang pinto ng bahay ng tanggalin ang ice pick na lock ng pinto.

Samantala noong Abril 25 nalooban din ang pinsan ni Lumasac na si Jazel Sepana na nakuhaan naman ng portable DVD. 

Dahil sa insidente nananawagan si Lumasac na ibalik na lamang ang mahahalagang dokumento kung sakaling may makakakita nito.

Comments

  1. grabe naman yan....meron ng mga salbahe sa aurora..dapat paigtingin ang pagpapatrulya sa lalawigan!

    ReplyDelete

Post a Comment