285 PESOS MINIMUM WAGE SAHOD SA AURORA

Tiniyak ng Department of Lobar and Employment ang seguridad ng mga manggagawa na hindi dapat bababa sa 285 pesos minimum wage kada araw ang tinatanggap nitong sahod sa mga pribadong kumpanya.

Sinabi ni DOLE Antonio Mutuc Jr. sa paggunita sa araw ng Paggawa kahapon (Mayo 1) sa Bayan ng Dipacualao, Aurora, dapat umanong makatanggap ng minimum wage ang mga empliyado ng pribadong kumpanya ng hindi bababa sa 285 ang sahod kada araw kung ang kumpanya ay mayroong labing limang tauhan katulad ng paaralan at mga construction company at iba pang mga pribadong kumpanya, hindi naman dapat bababa sa 215 pesos ang pasahod kada araw ng kumpanya na may isa hanggang labing apat na tauhan katulad ng mga tindahan o mini-grocery at iba pang istablisiyemento.

Dapat hindi tataas sa walong oras sa isang araw ang pagtatrabaho ng empleyado at pitong araw lamang sa isang linggo, kung lalampas sa walong oras dapat umanong bigyan ito ng overtime pay, kung ang manggagawa naman ay nagtrabaho sa araw na siya ay day off dapat dagdagan ng 30% sa regular na sahod.

Dapat din umanong makatanggap ng benipisyaryo ang empleyado katulad ng SSS at PhilHealth.

Samantala, nananwagan ang DOLE na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung may mga pribadong kumpanya ang lumalabag sa batas paggawa.

Kasabay nito inaanyayahan ang mga samahang rehistrado na makipag-ugnayan sa kanila para mabigyan ng livelihood project ng ahensya.

Comments