307th CDC-ARESCOM AT PNP NAKIISA SA UNANG ARANGKADA NG BRIGADA ESKWELA - Baler, Aurora

Pinasimulan na kahapon sa bawat pampublikong paaralan sa buong Bansa ang Brigada Eskwela o ang National School Maintenance week, ang programa ng Department of Education (DepEd) upang maihanda ang bawat paaralan para sa nalalapit na muling pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo.

Sa bayan ng Baler ang naturang aktibidad ay pinakipagkaisahan ng iba’t –ibang samahan, gaya ng PNP, Kasundaluhan ng 48 IB, mga Laang Kawal ng 307 CDC-ARESCOM, NGO’s at gayundin ng Tricycle Associations.

Sa Baler Central Schoo ay buong kasiglahang nagmower at nagtrimming ang mga Laang Kawal ng 307th CDC-ARESCOM sa pangunguna ng mga Opisyal nito na sina CPL. Francis Isidro ar CPL. John Jay Lara, kasama ang mga personel ng naturang Himpilan.

Ayon kay Gng. Aurora Lombres, Officer In-Charge ng BCS, Layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang paaralan at bawat silid aralan para sa maagang pagpasok ng mga mag-aaral at upang hindi aniya maabala ang mga ito sa kanilang pag-aaral, di tulad noong nakaraan mga taon na sa halip na magsisimula na ang klase ay doon palang aniya maglilinis ng silid aralan ang mga eskwela.

Kasabay nito nagpapsalamat din si Gng. Lombres sa lahat ng nakiisa sa isinagawang Brigada Eskwela sa kanilang paaralan.

Sinabi pa ni Gng. Lombres na kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pagpapa mural ng mga covered Fence ng Baler Central School para aniya maging kaakit akit ang paaralan, ito ay bilang bahagi parin ng programang “ A Child Friendly School”.

Dagdag pa nito, bawat larawan ay may mensahe o tema ukol sa pagiging makabayan, kagandahang asal, at gayundin sa pamamagitan ng mga larawan ay maipromote ang magagandang lugar sa Aurora at mai-preserve ang magagandang kultura ng Lalawigan.

Comments