400 KATAO LUMAHOK SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG PAGGAWA - Dipaculao, Aurora

Matagumpay na ipinagdiwang ng mahigit 400 katao ang araw ng paggawa kahapon sa Municipal compound ng Bayan ng Dipaculao, Aurora na pinagunahan ng Multi-Sectoral Action Group of Aurora at Bikaryato ng Valley-Ding.

Ang programa ay naglalayong maipaunawa sa mga mamamayan ang kalalagayan ng mga manggagawa gayundin ang mga karapatan at benipisyong nauukol sa kanila.

Ang nagging paksa ay “Manggagawa at Magsasaka 113 taon ng Pakikibaka! Wakasan ang kahirapan! Isulong ang Malinis na Halalan”.

Alas otso nagsimula ang naturang programa na sinimulan ng isang Banal na Misa sa Parokya ni Santa Teresita ng Batang si Jesus sa Dipaculao at pinangunahan ni Rev. Fr. Nilvon Co Villanueva ang Banal na pagdiriwang.

Sa humiliya sinabi ni Fr. Villanueva dapat ikarangal ang mga manggagawa, dahil ang manggagawa ang katuwang sa pagbuo ng ating pagkatao at sarili. Ang kahirapan ay dahil malayo ang puso ng tao sa Diyos.

Naging panauhing tagapagsalita sina Antonio Muctuc Jr. ng Department of Labor and Employment (DOLE), Arnold Gallardo ng Justice and Peace Action Group of Aurora (JPAG), at si Nilo Serrano mula naman sa Panlalawigang Alyansa ng Magsasaka sa Aurora (PAMANA).
Ayon sa datus na inilahad ni Gallardo mula taong 2012 hanggan sa kasalukuyan naitala umano ang pinaka maraming mahihirap sa Bansa dahil sa pag-iral ng contractualization sa mga pabrika, pagsasapribado ng mga serbisyong publiko katulad ng sa pangkalusugan,  ganoon din ang paglobo ng child labor. Hindi na umano sapat ang minimum wage dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng bilihin.

Nilahad naman ni Serrano ang kalalagayan ng mga lokal na manggagawang bukid sa Aurora, hindi umano uunlad ang magsasaka hanggat hindi tumataas ang presyo ng mga produkto katulad ng niyog na pangunahing produkto sa lalawigan habang patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng magsasaka. 

Samantala, nagsagawa ng CARAVAN sa buong central Aurora ang mga progrisibong Party-list  kasabay ng paggunita sa araw ng Paggawa kahapon.

Nagsimula ang caravan ala una ng hapon sa Bayan ng Dipaculao, umikot ito sa bayan ng Baler, San Luis at bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Lumahok dito ang limang progresibong party-list katulad ng Bayan Muna, Anak Pawis, Gabriela, Kabataan, at Katutubo party-list

Comments