Namatay ang isang 61 anyos na lolo sa hindi pa
malamang sakit dahil sa kawalan umano ng Doktor sa Hospital kahapon Mayo 26,
2013.
Ayon sa mga anak nito (hindi na nagpabanggit
ng pangalan) ipinasok ang kanilang ama na si Andres Valentino, 61 taong gulang,
residente ng Barangay Florida, Maria Aurora, Aurora sa Aurora Memorial Hospital
sa Barangay Reserva, Baler, Aurora noong nakalipas na Biyernes dahil sa
karamdaan nitong hindi makaihi at makadumi, naconfined ito ng halos tatlong
araw.
Subalit ayon sa mga anak nito, hindi manlang
umano natingnan ng Doktor ang pasiyente mula nang ipasok nila ito sa naturang
hospital hanggan sa bawian nalamang ito ng buhay kahapon ng alas nuwebe ng
umaga sa hindi pa malamang sakit dahil walang umanong Doctor na nag-asikaso sa
kanilang ama.
Ayon pa sa anak ng biktima hindi umano sana namatay
ng maaga ang kanilang ama kung naagapan itong gamotin ng naturang Hospital.
Kakulangan sa Doctor
ang nakikitang dahilan ng pamilya ng yumaong si Valentino kung kagyat ito anila
ay binawian ng buhay. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment