ANTI RABIES NA ITINUROK SA ASO, HINDI EXPIRED - Baler, Aurora

Mariing pinabulaanan ni Doctor Angelo Silvestre, Head ng Provincial Veterinary Office sa lalawigan ng Aurora, na walang katotohanan ang di umanoy napaulat na Expired ang mga gamot na Anti Rabies na itinurok nila sa mga Aso na diumanoy ay naging dahilan ng pagkamatay ng ilan sa mga ito sa Sitio Baclaran, Barangay, Suklayin, Baler, Aurora.

Ito ang nagging paglilinaw ni Dr. Silvestre ng ito makapanayam ng CMN News, sinabi pa nito na ang itinurok na Anti Rabies ay pang Immunitization lamang at hindi ito nakakamatay ng Aso, kahit ito ay naiturok na, o expired na.

Nilinaw pa Dr. Silvestre na halos ilang buwan na ang nakaraan ng sila ay magsagawa ng pagtuturok ng Anti Rabies kung kayat imposible umano na ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng ilang aso sa nasabing lugar.

Hinikayat din ni Dr. Silvestre ang mga nagrereklamo na makakabuti na magsadya na lamang sila sa PVO sa ATC Compound, Sitio Setan, Barangay Calabuanan, Baler, Aurora upang maipaliwanag niya sa mga ito ang sestema at epekto sa mga hayop ang ginagawa nilang paptuturok ng Anti Rabies sa mga hayop partikular sa mga Aso.

Comments