ARESTADO ANG ISANG LALAKI, NAGTAGO NG MAHIGIT 21 TAON SA BATAS - Dipaculao, Aurora

Arestado ang isang lalaki sa Bayan ng Dipaculao, Aurora nitong nakaraang Biyernes, Mayo 24, 2013, matapos itong magtago sa Batas ng halos 21 taon dahil  sa kasong Attempted Murder.
Ang suspek ay kinilalang si Rodrigo Libed y Mandaros, 34 na taong gulang, residente ng Barangay Lipit ng nasabing Bayan.
Ayon sa PNP Dipaculao, dakong alas siyete ng gabi noong Biyernes ng masakote ng mga otoridad ang suspek sa kanilang Bahay sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Honorable Acting Presiding Judge Armando A. Yanga ng Regional Trial Court, Brach 96, matagumpay na naaresto ang suspek.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Attempted Murder na may Criminal Case No. 3916 na aabot sa P120,000 ang piyansa.
Si Libed ay inaasahang dadalhin na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora ngayong Arawng Lunes.

Comments