ARESTADO SA PAGLABAG SA GUN BAN - Dinalungan, Aurora
Arestado
ang isang lalaki matapos nitong aksidenteg makalabit ang gatilyo ng
kanyang Baril at pumutok kamakailan sa Bayan ng Dinalungan.
Kinilala ang suspek na si Joel Nieras, 42 taong gulang, residente ng Barangay Zone 01 sa nasabing Bayan.
Ayon kay PO2 Romeo Tupil III dakong alas otso ng gabi nakatanggap sila
ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nagpaputok ng baril sa
naturang bayan.
Narekober ng PNP sa suspek ang isang homemade shotgun.
Ayon sa suspek nililinis lamang umano niya ang baril na ginagamit niya
sa pangangaso ng biglang makalabit nito ang gatilyo at pumutok.
Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa umiiral na comelec gun ban at
kasalukuyan na itong nakakulong sa Panlalawigang Piitan ng Aurora.
Comments
Post a Comment