AURORA AT NUEVA ECIJA MAKAKARANAS NG POWER INTERRUPTION BUKAS

Makakaranas ng sampong oras na pansamantalang pagkawala ng daloy ng koryente ang ilang bahagi ng Aurora at Nueva Acija bukas araw ng Martes ika-28 ng Mayo, 0213.

Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGC) North Corporation Communication and Public Affairs Officer Lilibeth Gaydowen na nakatakda ang brownout mula als otso ng umaga hanggang alas sais ng hapon bukas.

Apektado rinto ang mga konsymer ng NEECO II Area 1 (Talavera Substation), NEECO II Area 2 (Natividad & Bongabon Substations) at AURELCO (San Luis Substation).

Affected Areas: Talavera, Natividad, Llanera, Palayan, Bongabon, Gabaldon, Laur and Rizal, Nueva Ecija; at Dingalan, San Luis, Maria, Baler and Dipaculao, Aurora.

Ang sanhi ng brownout ay ang pagkupuni sa piling line structure hardwares sa bahagi Cabanatuan-Talavera - Baler 69kV line. 

Samantala pinapayuhan ng NGCP ang publiko na maghanda sa nakatakdang brownout upang maiwasan ang anomang pinsala sa pagbalik ng kuryente anomang oras matapos ang pagkukumpuni bukas. (Arnel M. Turzar)

Comments