Naiproklama na ganap na alas onse kagabi si Aurora Governor
elect Gerry Noveras ng NPC matapos magsumite ng kaniyang manifestation na siya
maiprokalama na batay sa COMELEC Resolution 9700.
Tanging ang bayan na lamang ng Dilasag Aurora ang siyang
hinihintay kagabi na makapag transmit ng canvass sa PBOC dahil umano sa mahina
signal dito.
Sa kabuuang bilang ng boto ni Noveras sa 7 bayan sa Aurora na
umabot sa 46,967 laban sa kay LDP Gubernatorial candidate Arthur Angara sa
bilang naman na 37,312 kung saan ay umaabot sa mahigit 9 na libong boto ang
naging kalamangan ni Noveras sa huli.
Mahigit 8 libo naman ang rehistradong botante ng Dilasag
Aurora kumapara sa 9 na libong botong kalamangan ni Noveras kay Angara na
anuman ang maging resulta ng botohan sa nasabing bayan ay higit parin ang
lamang na boto ni Noveras kay Angara na siya namang nagging batayan upang
maiprokalama ng PBOC Chair Atty. Postrado ng COMELEC sa Aurora matapos
magsumite ng manifestation si Noveras.
Samantala, ikinagulat ng mga tiga Aurora ang lumabas na
balita kahapon na naiprokalama na bilang gobernador si dating Baler Mayor
Arthur Angara sa kabila na kahapon na wala pa naiproklama ang Provincial Board
of Canvasser sa pagka gobernador dahil hinhintay pa ang 3 bayan na
makapagtransmit ng kanilang resulta.
Naiproklama na rin bilang Congresswoman si dating Aurora Gob,
Bellaflor Angara Castillo gayundin si Rommel Angara bilang Vice Governor ng
lalawigan ng Aurora kagabi.
Comments
Post a Comment