Pumanaw na ang umanoy isa sa biktima ng
Dengue nitong Martes dahil sa umanoy kakulangan sa pag-aasikaso ng Aurora
Memorial Hospital.
Ang biktima ay kinilalang si Shyrell
Joan Flores, 33 taong gulang, may asawa at 3 anak, residente ng Barangay
Ramada, Maria Aurora, Aurora.
Ayon kay Auria Nery Buccat, kapatid ng
biktima, dakong alas-siyete noong Mayo 23, 2013 nang kanilang idala sa Aurora
Memorial Hospital ang pasyente at naconfined ng halos tatlong raw.
Sa halos tatlong araw na nakaconfined ang
pasyente isang beses lamang umano ito natingnan ng Doktor, mga nurses na tila mga
OJT diumano lamang sa Hospital ang tumitingin o nagsusuri sa pasyente.
Dakong alas-dos ng hapon noong Mayo 25
inilipat ang pasyente sa Premiere General Hospital sa Barangay Suklayin, Baler,
Aurora na halos 30% nalamang umano ang pag-asang mabuhay ang biktima.
Alas-dos ng hapon nitong Martes nang
bawian ng buhay ang biktima na diumanoy sanhi ng sakit na Dengue.
Ayon pa kay ginang Buccat, may
pag-aasa pa sanang mabuhay ang kanilang kapatid kung naagapan umano itong
gamotin sa Aurora Memorial Hospital dahil malakas pa umano ang biktima nang
ipasok ito sa naturang pagamutan.
Nakuha
umano ang Dengue sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment