BILANGGO HINDI NAKALIGTAS SA HIKA
Hindi
na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang bilanggo sa Panlalawigang
Piitan ng Aurora matapos itong atakihin ng hika sanhi ng matinding init
na nararanasan sa lalawigan noong Mayo 3, 2013.
Tinangka pa
umanong dalahin sa Aurora Memorial Hospital ang biktima subalit sa daan
palang hindi na niya kinayang labanan ang atake.
Dakong alas otso ng umaga nang idating sa Hospital ang biktima subalit hindi nagtagal idinikla narining patay na ito.
Isang dahilan umano ng kanyang pagkamatay ang matinding init ng panahon
na nararanasan sa lalawigan maging sa buong bansa na napakadelikado sa
mga taong may sakit na hika.
Comments
Post a Comment