BRIGADA ESKWELA UMPISA NA NGAYONG ARAW - Baler, Aurora

Umpisa na ngayong araw ang “Brigada Eskwela” sa lahat ng Pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase ngayong panuruang taon 2013-2014.

Kasabay nito inaanyayahan ni Elementary School Principal II ABELARDO A. AQUINO ng Baler Central School ang lahat ng magulang na nagpaparal dito, na dumalo at makiisa sa programang Brigada Eskwela.

Pinapayuhan ni Aquino ang lahat ng magulang na magdala ng gamit gaya ng Pala, itak, walis, sako, martolyo at iba pang gamit panlinis.

Ito ay kasabay ng paghimok ni Education Secretary Armin A. Luistro sa lahat para makiisa sa Brigada Eskuwela simula ngayon Lunes hanggang sa Biyernes (Mayo 20-25).

Nais ni Luistro na hindi lamang functional kundi attractive at conducive din ang pag-aaral ng mga bata.

Taun-taong isinasagawa ang Brigada Eskuwela, na nagsasama-sama ang mga guro, magulang, estudyante at lider ng komunidad sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura sa mga silid-aralan bilang paghahanda sa pasukan.

Comments